Sa aking Paglalakbay (PARTV) "Bundok na sana'y Ginto pero naging Libingan"

Sa aking Paglalakbay (PARTV) "Bundok na sana'y Ginto pero naging Libingan"

ArtRosalejos travel blog

travel blog

Sa aking Paglalakbay (PARTV)
"Bundok na sana'y Ginto pero naging Libingan"
-ArtRosalejos

Ilan pa ba ang kailangang magbuwis ng buhay upang ating aksyonan ang lumalalang systema ng ating sambayanan? Anu nga ba ang puno't dulo ng mga problemang dapat bigyan ng agarang atensyon at solusyon?
Landslide sa Itugon, Benguet at Naga City sa Cebu dulot ng hagupit ni Ompong na nagresulta ng masalimuot na kinahinatnan ng ilan sa ating mga kababayan.

Kakatapos ko lang ng panonood ng i Witness - isang dokumentaryo ng GMA. At aking natunghayan ang kuwentong paghuhukay sa mga labi ng mga mahal sa buhay ng ating mga mahal na kababayan. Ako'y napaluha, nagalit at naawa. Napaluha, dahil kanilang kalagayan. Nagalit, sa dahilan ng kanilang pagluha. Naawa, dahil sa aking nakitang epekto ng trahedyang nagpatibag sa bundok na naturingang pag-asa at ginto.

Isang realisasyon para akin, isang manlalakbay, na ikinatutuwang makita ang ganda ng ating kabundukan at likas na yaman ngunit nakakalungkot na may mga kababayan tayong naghuhukay para mabuhay. Karamihan sa mga biktima ng trahedya ay mga miniro o pamilya ng mga miniro. At sa kanilang paghuhukay, at paghahanap ng ginto para mabuhay ay ang paghuhukay din ng sarili pala nilang libingan.

Napakayaman ng ating kabundukan, ngunit bakit kay hirap ng buhay ng mga taong nakitira dito? Sa aking minsang paglalakbay noon ay may nakilala akong mga taong namumuhay sa mga bundok at alintana ko ang kanilang hirap. Ang karamihan sa kanila ay nagtatanim na mais, kamote at iba pa. Ilang buwan ang kanilang hinihintay upang anihin ang mga ito. At sa panahon ng ani ay siya din namang hirap ng pagdala ng kanilang mga produkto sa bayan upang ibenta at magkapera. Ilang bundok ang kanilang inaakyat, ilang oras ang iniindang gutom, pagod at init ng araw upang maihatid lang ang kanilang mga produkto.

Mga kaibigan, bakit hindi nalang sana lahat ng tao pantay-pantay? Bakit napaka-unfair ng buhay para sa kanila? Pantay na oportunidad lang sana ang kailangan ng ating mga minamahal na kababayan.

Oo, napakaswerte ng iilan sa atin. Nabiyayaan ng magandang edukasyon at trabaho. Pero paano ang mga nasa malalayong lugar na wala man lang access sa maayos na edukasyon at kalusugan na pangangailangan?

Dahil sa kawalan ng uportunidad sila'y naghuhukay para mabuhay. At ang iilan din sa mga mining company ay hindi sumusunod sa alituntonin. At hinahayaan nalang ang nga kalbong kabundukan, at tila HOLLOW na dahil sa sobrang pagmimina...

Sobra-sobra na ang ating kinukuha sa ating inang kalikasan, tila bang napakasaklap tingnan na unti-unting nawawasak ang ating kabuhayan dahil sa pagwawalang bahala at walang paki-alam. Tila, wagas na pag-aabuso sa ating kapaligiran at dulot nito ay trahedyang hindi inaasahan na kumitil sa buhay ng karamihan.

Sa aking pagmuni-muni, pantay na uportunidad lang ang kailangan. Pag-aalaga sa ating likas na kalikasan, at tamang kaalaman upang mapanatili at mapangalagaan ito. Sana lang, darating ang panahon na wala nang taong maghuhukay ng sarili nilang libingan upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan.


Add ArtRosalejos to your subscriptions feed

ArtRosalejos travel blog



Leave a Comment:

Or Sign Up To Leave A Comment

To notify a previous commenter, mention their user name: @peter or @peter-smith if there are spaces.


Create Your Free Travel Blog

Join others and Track That Travel

Join The Travel Community

Track That Travel

travel blog, free travel blog travel blog, free travel blog travel blog, free travel blog

® 2018 Track That Travel