Yung feeling na... namimiss mo yung sarili mo...
=Worth-it ba=
-Art Rosalejos
Yung mga panahong hindi lang umiikot sa iisang tao ang buhay mo.
Yung mga panahong 'travel destination' mo lang iniisip mo, kung saan ka susunod na pupunta.
Hindi naman selfish ang pagtatravel guys.
It's been my outlet from depression, especially yung mga panahong akala ko wala ng pag-asa,
yung mga panahong kailangan ko ng tulong pero walang nagdare na lumapit.
Worth-it kasi umakyat ng bundok,
yung kaya mong isigaw lahat ng sakit ng loob mo sa mundo at
iiwanan mo lang doon,
worth-it kasi sumakay ng eroplano papunta sa pupuntahan mo kasi nafefeel mo na kahit papaano nasa itaas ka,
worth-it kasi pumunta sa mga isla kasi panghabang-buhay na alaala yan,
especially kung once in your life naranasan mong muntik ka nang mawala sa mundo.
Worth it kasi, nakatatak yung alaala sa puso't isipan mo,
dahil kung nagtatravel ka, walang ibang tao ang magja-judge sa'yo,
walang ibang tao ang makakasakit sa'yo.
Yung mga panahong oo mas pinaprioritize mo yung plane ticket at
hotel accommodation mo kaysa sa mga branded shoes and clothes o
kaysa iphone o laptop o kahit ano mang gadget.
Kasi alam mo sa sarili mo 'life is short' aanhin mo naman lahat ng iyan kung sa
bandang huli nakaratay kang mag-isa.
Kasi pag nasa dulo kana ng buhay mo,
hindi naman yung mga ipon mo, o mga gadgets o
magagarang sasakyan ang iisipin mo kundi kung anong nagawa mo sa buhay mo. Worth it ba?
It's just my point of view as a solo-traveler. And I know all of you who are traveling has the reason why. Kasi mostly lahat ng nakasalamuha mo sa bawat travel ko ay may 'hugot' hindi lang yung hugot na para may pang-instagram siya kundi yung hugot na 'sana makalimutan niya yung sakit na patuloy niyang binabangongot'
Worth-it lahat ng pagod, mapabundok man yan o isla, saan kaman dadalhin ng iyong mga paa, patuloy mong alalahanin na ginagawa mo yan para sa sarili mo.
Yun yung palagi kung sinasabi na, paano ka magmahal ng iba, kung kulang ang pagmamahal mo sa sarili mo. You have to build yourself first, because in love, it's not about getting something, but it's about giving your whole life to that person. And loving someone is giving him/her the power or hurting you, kasi hindi ka naman masasaktan sa mga taong hindi importante sa'yo. Sometimes, you asked, is it still worth it? Do I still see my worth? Am I still this person I rebuild during my travel? Know your worth and please don't lose yourself again.
To notify a previous commenter, mention their user name: @peter
or @peter-smith
if there are spaces.